Bahay ni Ka Freddie nasunog

  Nasunog ang bahay ni Freddie Aguilar sa Quezon City kagabi.
    Nagsimula ang sunog alas-11:06 ng gabi sa bahay ng musikero sa North Fairview.
    Itinaas sa First Alarm ang sunog at naapula ang apoy alas-11:39 ng gabi. Tinatayang P13 milyon ang napinsala ng sunog kabilang ang mga memorabilla ng singer.
    Nakarinig umano ng mga pagputok sa loob ng bahay na sinundan ng paglabas ng usok sa kisame. Iniimbestigahan pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
    Nakalabas naman ng bahay ang misis ni Aguilar na si Jovie at ang anak na si Jeriko sa pamamagitan ng pag-akyat sa balkon patungo sa bubong at lumipat sa bubungan ng kapitbahay.

Read more...