SA pagtatapos ng taong 2017 ay hindi natapos ang mga hidwaan at bangayan para sa liderato ng ilang national sports associations (NSA).
Ito ay matapos na maghain ng reklamo ang dating namamahala sa Philippine bowling na Philippine Bowling Congress (PBC) laban sa kasalukuyang kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) na Philippine Bowling Federation (PBF).
“We in the Philippine Bowling Congress have also started doing our part. Our slogan “Unite & Ignite”, is a call for unity and initiate changed and reforms in the bowling community,” sabi ni George Mallilin, dating secretary general ng PBC.
“We have filed a complaint to IOC against POC, World Bowling, ABF & PBF for maliciously removing PBC, the NSA for Bowling for the last 50 years and replacing it with PBF,” dagdag pa ni Mallilin.
Isa lamang ang bowling sa mga asosasyon na nasangkot sa kaguluhan ang liderato kung saan hindi man nagawa ang pormal na proseso ng eleksiyon ay bigla na lamang nagbuo ng bagong asosasyon at agad na kinilala ng pamunuan ng POC.
Ang Philippine Bowling Federation (PBF) ay pinamumunuan ni Steve Hontiveros kasama bilang head coach ang apat na beses na naging World Cup champion na si Paeng Nepomuceno. —Angelito Oredo
Bowling group inireklamo ng katunggali sa IOC
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...