Bong makakalaya ngayong 2018, papayagan na raw makapagpiyansa ng Sandiganbayan

JINGGOY ESTRADA AT BONG REVILLA

POSITIBO ang mga kaibigan at tagasuporta ni Senador Bong Revilla na mabibigyan na siya ng pagkakataong makapaglagak ng piyansa sa mga unang buwan ng kasalukuyang taon.

Kung maligaya na ang aktor-pulitiko sa ibinigay na pagkakataon sa kanya para makasama ang kanyang pamilya nu’ng nakaraang Noche Buena ay aminado siya na makukumpleto ang kanyang kaligayahan kung hindi na pansamantala lang ang oras na ibibigay sa kanya ng Sandiganbayan.

Ikinaligaya rin ng senador ang oras na ibinigay sa kanya ni Senador Jinggoy Estrada, nagsadya sa Bacoor ang kanyang bestfriend, kung paanong madalas din siyang dinadalaw nito sa PNP Custodial Center.

Ganu’n katindi ang kanilang pagkakaibigan, pinatibay ‘yun ng panahon nang magkasama sila sa piitan nang tatlong taon, wala nang makasisira pa sa napakalalim nilang samahan.

Konting sakripisyo na lang at makakasama na ni Senador Bong ang mahal niyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta, hindi na siguro maiinip ang mga nagdarasal na sana’y makalaya na ang aktor-pulitikong mahal na mahal nila, wala nga namang imposible kapag dumating na ang takdang panahon.

Read more...