Kita ng 2017 MMFF entry nina Vice at Daniel malapit nang umabot sa kalahating bilyon

VICE GANDA, DANIEL PADILLA AT PIA WURTZBACH

Ang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” nga ba ang number one sa 2017 Metro Manila Film Festival?

Nag-tweet kasi si Vice Ganda ng mensahe ng pasasalamat para sa lahat ng nanood ng pelikula niya na balitang umabot na raw sa P400 million.

Ayon sa TV host, “400Million THANK YOUs mga ka-SQUAD!!!! Kaway kaway mga members ng #TeamHappy!!! Ravaaaan!!!”

Hanggang sa Linggo, Enero 7 pa ang MMFF at siguradong mae-extend pa ang pelikula nina Vice, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla produced by Star Cinema and Viva Films mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Tanda namin ay sinabi ni Vice na wish niyang umabot csa isang bilyong piso ang kita ng “The Revenger Squad” para malampasan nito ang sariling record noong 2016 para sa pelikulang “The Parental Guardians” kasama si Coco Martin.

Noong Dis. 29 ay naka-P300 million na raw ang pelikula nina Vice base sa tweet niyang, “300Million THANK YOUs ang nais kong iparating sa lhat ng Madlang People na nanuod ng #TheRevengerSquad sa nakalipas na 5 days. Hayabayabayu!”

Sa kabilang banda ay hinihintay din ng madlang pipol kung magkano naman ang kinita ng “Ang Panday” ni Coco na patuloy pa ring pinipilahan ng mga tao.

Read more...