HOROSCOPE June 20, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Isa lang ang solusyon upang umunlad – lakas ng loob. Ang mga pinanganak sa petsang 20 ay mahina ang loob, pero kapag lumakas ang loob at tumapang  ang lahat ng tagumpay sa materyal na bagay at ligaya sa pag-ibig ay mapapasayo. Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om.” Blue at green ang buenas.      
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi lalago ang kabuhayan kung lagi sayong may umaasa. Lumayo muna sa sinilangang bayan. Sa malayong lugar mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig sa malayong lugar mo rin matatagpuan ang true love. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kung hindi mo tatapusin ang mga nakabinbing gawain matatabunan ka na naman ng ma deadline. Wag ka kasing kukupad-kupad. Laylo muna sa minamahal, ang mga bagay na may kaugnayan sa career at pera ang unang dapat munang pahalagahan. Mapalad ang 7, 11, 19, 20, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kahit umuulan, umpisahan mo ng palaguin ng palaguin ang kabuhayan upang yumaman. Sa pag-ibig, kapag ganitong malamig ang panahon, mas makabubuting bigyan ng mainit na yakap ang kasuyo at pagluto siya ng sopas. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.”  Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Malapit na ang full moon, sa June 22. Pag pasok na pagpasok ng maliwanag at malaking buwan, tiyak na susuwertehin ka sa pag-ibig at sa pinansyal. Ngayon palang isipin na kung saan dadalhin ang malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Mapalad ang 7, 16, 26, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Lahat naman ng tao ay may utang. Baon nga lamang yong iba, habang yong iba ay nakaka-ahon pa. Makaaahon  sa mga pagkakautang sa tulong ng isang Aries. Sa pag-ibig sa isang Aries din makakadama ng true love. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—‘Wag maging mapaglaro lalo na sa pag-ibig, baka ikaw naman ang laruin ng kapalaran. Maging tapat sa minamahal. Sa pinansyal, maging tapat sa mga kliyente upang tuloy-tuloy kang umunlad. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Magiging masaya at maunlad ang araw na ito kung papalitan na ang  kurtina ng disenyong bulaklak at mga halaman na kulay pink o kaya’y kulay pula. Sa nasabing disenyo, susuwertehin ka.  Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kahit panay  ang buhos ng ulan hindi ka dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakal na may kaugnayan sa payong, salbabida, bangka, tsinelas, kandila, kapote, at iba pang produktong pang-tag-ulan. Suwerte ka sa tubig at dyan ka yayaman. Mapalad ang 2, 7, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa panahong ito hindi ka dapat magpabigla-bigla. Sa kawalang ingat may malaking problemang darating. Sa pag-ibig, may isang immoral na relasyong mabubuksan – layuan mo agad. Sa pinansyal, isipin munang mabuti bago maglabas ng pera. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag underin ang kasuyo upag hindi ka nya palitan. Sa pinansyal, maging maluwag sa mga tauhan, upang hindi ka nila kamuhian. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at maroon ang buenas. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Yellow at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan – sunggaban mo agad. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Aum.” Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— ‘Wag ikalungkot kung papaubos na ang pera, sa susunod na buwan ng Hulyo kusa uling madadagdagan ang income. Tandaang “weather-weather lang yan.” Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Scorpio. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at yellow  ang buenas.

Read more...