Dating AlDub fans puro kanegahan ang ibinabato kay Maine

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

PANAY ang post ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram post.

Sadly, maraming nega ang comments against her although her fans naman were defending her.

“Wala nang bagong maipakita si gurl. Kung hindi magbikini, mag-wacky. Puro kapampaman ang ganap. Seriously, her career is going nowhere. So better stop na. Lol!”

“Me, I’ll be honestly speaking here, I used to love love Maine. But there’s something in her na hindi totoo. Yung pagiging inconsistent nya, hypocrite at times. Ewan ha.

“Let’s see pag pinanood ko sya sa Eat Bulaga, bilang fan kami ng sugod bahay, with or without her, tignan ko kung mababalik ung pagkagusto ko sa kanya. Naging annoying at papansin na sya sa ken, really. haist.”

“Medyo nababawasan na interes ko kay Meng. Di ko alam kung naaasar ako na ewan. Gusto nya magpakaseryoso nung nag-open letter sya ngayon naman nagpapatawa na ewan. Basta… ewan.”

Ilan lang ‘yan sa mga bash na inabot ni Maine.

***

How do you solve a problem like Alden Richards?

As it is, GMA 7, the number two network in the country, seems bent on charting a solo career path for him.

Although merong movie na naka-line up sa actor with Maine Mendoza as his leading lady, hindi naman ito maka-take off.

Noong una, sinabi ng isang exec ng GMA na may gagawing movie sina Maine at Alden para ma-appease ang AlDub fans na nagwala sa social media because their first teleserye got axed. Naka-one season lang ito sa ere which means hindi ito nag-rate.

Second, hindi rin nakatulong ang aria ng GMA writer na si Suzette Something na nagsabing hindi nga nag-rate ang teleserye nina Maine at Alden.

Nagdaan ang ilang buwan, natapos noong May ang teleserye at magtatapos na ang taon pero walang concrete movie na pinapalutang ang Siyete. Basta ang latest nilang paandar ay sa 2018 na ang second movie ng love team na hindi na kasing-sikat ng dati.

When we wrote a couple of days ago na magtatambal sina Alden at Jasmine Curtis in 2018 sa isang teleserye at isang movie, bash ang inabot namin. Sinisiraan daw namin ang AlDub.

So, kapag may soap nga sina Alden at Jasmine, ano kayang mukha ang ihaharap sa amin ng mga bashers na ‘to?

Ang gusto ng AlDub fans, ipartner pa rin si Alden kay Maine. Hindi ba’t iyon ang nangyari pero sumemplang sa rating? Common sense na lang, bakit naman titigukin sa ere ang isang nagre-rate na show?

So, how do you solve a problem like Alden?

You don’t. He will never be as sikat in the months to come dahil nalaos na ang tandem nila ni Maine after she revealed na friends lang sila ng actor. Nawalan ng gana ang marami nilang fans who were unwittingly taken for a ride.

 

Read more...