Maine natupad ang pangarap na maging ‘ibon’, tagumpay sa skydiving

MAINE MENDOZA

MAINE Mendoza is back! Nagparamdam muli siya sa Twitter last New Year’s Eve.

Kasama ni Meng na sumalubong sa 2018 ang kanyang pamilya base sa ipinost niyang pictures. One happy family ang pagsasama nila sa pagsalubong ng Bagong Taon pero umiral pa rin ang kalokohan ng Phenomenal Star.

Naglagay pa talaga siya ng korona sa ulo na may nakalagay na Happy New Year, huh!

Sa kanya namang Twitter account, ipinost ni Maine ang kanyang skydiving photo na kuha sa Miami.

Proud na proud si Meng sa sarili na nagawa niya ang isang bagay na matagal na niyang gustong gawin. Sa kabila ng matinding kaba, nagtagumpay pa rin siyang ma-conquer ang kanyang fear.

Then, maagang nag-tweet ang kanyang fans kaya pumuwesto agad sa third spot sa trending topics sa Twitter ang hashtag na #ALDUB2018. Sabak agad kasi kahapon sa live episode ng Eat Bulaga si Meng bilang pagtupad sa pangako niya sa kanyang talent management.

Siyempre, talagang inabangan ng AlDub Nation ang muling pagsasama nina Meng at Alden Richards sa longest-running noontime show sa bansa.

Read more...