Female star na-shock sa reaksyon ng madlang pipol nang ibandera ang retokadang mukha

ANO ba ‘yan? Hindi pa naman lasing ang mga magkakaumpukan nu’ng isang gabi, pero matindi na ang kanilang pagpipista sa isang kilalang female personality.

Nakasama ng mga miron ang babaeng personalidad sa isang malaking programa ng isang istasyon, ginanap ang special show sa labas ng network, kaya nagsuguran du’n ang mga fans.

Hindi nakapapasok ang mga sasakyan ng mga artista sa loob ng bakuran ng venue, lalakad pa sila nang ilang metro kung saan nakapalibot ang mga tagahanga ng iba-ibang artista, kaya kapag may personalidad na bumababa sa kanilang sasakyan ay parang may rebolusyon sa pagtitilian ng mga fans.

Heto ang istorya tungkol sa female personality, kuwento ng isang miron sa umpukan, “Si ____ (pangalan ng popular na babaeng personalidad) lang ang hindi tinilian nu’ng bumaba na siya sa van niya at naglakad papasok sa venue.

“Promise, ultimo mga bagitong artista, e, tinilian ng mga nandu’n, tinatawag sila sa pangalan, kapag kumakaway ang artista, pandemonium!

“Pero nu’ng ang female personality na ang bumaba, parang may nagdaang pari, nagkaroon ng katahimikan sa paligid, nagtatanungan ang mga fans kung sino siya. E, ang tagal na rin naman niya sa showbiz, di ba?

“Maririnig mo ang sinasabi ng mga nandu’n, ‘Dancer ‘yan!’ Hindi siya kilala! Meron pa ngang nagsabi na girlfriend siya ng isang actor, pero hindi nila alam ang pangalan.

“Nakakaloka! Siya man siguro, e, nawindang sa nangyari. Imagine, nakapasok siya sa venue nang walang ingay? Naghuhulaan lang ang mga fans kung sino siya, kaya hindi maisigaw ang name niya!” kuwento ng aming source.

Ang female personality rin naman kasi ang dapat sisihin kung bakit hindi na siya nakikilala ng mga fans. Ipabago ba niya ang itsura niya, kung anu-ano ang mga ipinagawa niya sa face niya, sino ang dapat sisihin sa nangyari?

“Naku, siya lang ang dapat buntunan ng sisi, wala nang iba, dahil sobrang nagbago talaga ang itsura niya! Kayo, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, makilala n’yo kaya agad ang girl na ito kapag dumaan siya sa mismong harapan n’yo?” pagtatapos ng humahalakhak naming impormante.

Read more...