Alden may 3 b-day wish; patuloy pa ring sinuswerte ang career

ALDEN RICHARDServin sant

NGAYONG araw ang birthday ni Alden Richards. At bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, may mga naka-line up nang charity works ang Pambansang Bae.

Bago matapos ang taon, nagpasalamat na si Alden sa entertainment media sa pamamagitan ng isang post-Christmas party na ginanap sa kanyang restaurant, ang Concha’s sa Tomas Morato, Quezon City.

In fairness, isa si Alden sa iilang local celebrities na marunong mag-share ng kanyang blessings sa members ng media. Hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa mga reporter at writer na patuloy na nakakatulong sa kanyang career.

Ibinalita ng Kapuso heartthrob na napaka-memorable ng bakasyon niya sa Japan kasama ang kanyang pamilya kung saan din sila nag-celebrate ng Christmas.

“Galing po akong Japan, nine days po kami, nagpunta po kami ng Fukuoka and then, Tokyo. Bale first out of the country po na bakasyon ng family, so nag-enjoy po lahat, especially me.

“Kakauwi lang po namin, and then, marami po kaming napuntahan,” kuwento ng binata. Aniya, patuloy pa rin siyang bine-bless ng Diyos kaya naman puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya.

“Ang dami pong dumating na blessings. At saka eto po, ‘yung restaurant ko po na for next year po ay available na po for franchising, so palalakihin na po namin siya,” ani Alden.

Bukod sa mga nag-renew na endorsements niya noong 2017 may mga bago pa raw na parating ngayong 2018, “Talagang sobrang blessed pa rin po ng 2017. Sa endorsements po patuloy pa rin tayong pinagkakatiwalaan, marami pa rin pong nag-renew for this year and next year.”

At ngayong kaarawan nga ni Alden nakatakda siyang mag-celebrate kasama ang ilan niyang loyal fans,
“Magkakaroon po ako ng konting birthday celebration para sa fans on January 6, sa Enchanted Kingdom.”

Ano naman ang kanyang birthday wish? “’Yun po, ‘yung katulad ng isinulat ko sa Instagram stories ko – peace, continuous blessings po, saka stability.

“Simple lang naman po. Wala naman po akong masyado nang hinahanap. I’m very much contented na po with everything,” aniya pa. Kahapon bumalik na rin si Alden at ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

 

Read more...