Horoscope, January 02, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Maging positibo sa bawat araw sa taong ito. Sa gabi bago matulog, isipin mong sa taong ito ng 2018 tuloy-tuloy na darating ang suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at pananalapi. Sa ganyang paraan magkakatotoo ang iniisip mo. Mapalad ang 6, 14, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Umpisa na ngayon ng 2018 ilunsad ang mga pagbabagong buhay na noon mo pa naiisip. Wag ng uling magpapautang sa mga taong hindi marunong magbayad. Sa pag-ibig, iiwasan ng paghinalaan ng hindi maganda ang kasuyo. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Sa taong ito mag-isip ng dagdag pagkakakitaan upang mas mabilis na yumaman. Hindi dapat makuntento sa kasalukuyang kinikita. Yayain ang kasuyo sa negosyong may kaugnayan sa pagkain. Suwerte ang 5, 14, 24, 32, 37, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kada-Bra!” Silver at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Isang dating kaibigan ang magte-text. Bukod sa pag-bati ng Happy New Year, may magandang balitang matatanggap na may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig sa taong ito lalong mag-iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Wagiswari-Padme-Om”. Violet at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa taong ito ng 2018 mag-concentrate sa ginagawa wag ng masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang mga positibong iniisip at mga magagandang plano sa buhay. Oo tuturuan ka niya ng teknik upang ito ay madali mong makamit. Mapalad ng 5, 18, 26, 32, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Green at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa taong ito ng 2018 upang hindi na uli maranasan ang grabeng hirap, sa pinansyal, unahing mag-subi bago gumasta. Sa pag-ibig, malulungkot ang kasuyo, kapag tuluyan na kayong naubusan ng pera. Mapalad ang 1, 18, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Bago maubos ng tuluyan ang pera samantalahin ang pagkakataon, i-negosyo ang malaking halaga ng salapi na nahawakan. Sa produktong pagkain maganda ang magiging kikita. Sa pag-ibig, isosyo ang kasuyong isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Om.” Silver at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa taong ito ng 2018 kusang darating ang noon pa hinihintay na suwerte at magandang kapalaran. Biglang lalago ang kabuhayan, habang lalong mag-iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 38, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Lilac at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kakaibang sopresa ng buhay ang matatanggap. Walang ano-ano biglang lalago ang kinikita. Sa pag-ibig muli ka na namang iduduyan sa ligaya ng iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 8, 19, 34, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Green at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit mabilis na nauubos ang pera tuloy pa rin ang buhay. Sa taong ito ng 2018 hindi lang naman materyal na bagay ang nagpapaligaya, bagkus may kakaibang sundot din sa puso ang madalas na pagte-text ng “I love you ay ingat ka!” Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Om-Padma.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Matapos ang mga pagsubok na pinagdaanan sa taong 2017 malaking suwerte na ang makakamit sa larangan ng materyal na bagay at sa pag-ibig sa kasalukuyang taong 2018. Mapalad ang 2, 16, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Loes-Sawa-Om”. White at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pagpasok ng taong ito ng 2018, matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap upang magtuloy-tuloy ang suwerte sa materyal na bagay. Sa pag-ibig, wag ka ng maghanap sa malayo, katabi mo lang siya at lagi mong nakakausap. “Om-Mani-Padme-Hum”. Pink at lilac ang buenas na kulay.
Pisces – (February 19 – March 20)—Upang hindi na mabigo sa anomang ilulunsad na negsoyo sumunod sa suwesyon ng kasuyo. Sa pinansyal, tama ang iniisip mong pagtitipid, sa ganyang paraan ang pag-asenso ay madaling makakamit.” Mapalad ang 5, 10, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at gold ang buenas.

Read more...