Young actor napag-iiwanan daw ng mga kapwa artista sa pinag-uusapang serye

MAY mga narinig kaming reaksyon mula sa kampo ng kilalang loveteam – bakit hindi man lang daw napapansin ang acting ng young actor na kasama sa seryeng mainit na pinag-uusapan ngayon?

Halos lahat daw kasi ng artistang kasali sa serye ay magagaling lalo na ang mga bidang lalaki, pero bukod tanging ang aktor na may ka-loveteam ang hindi napupuri base sa mga naglalabasang balita ngayon sa social at print media.

Nakarinig kami ng komentong, “Hindi naman kasi siya talaga magaling, magpasalamat na lang at napasama siya sa cast para matutong umarte.”

Akala namin ay kami lang ang nakukulangan sa akting ng male youngstar, marami rin pala.

May highlight din naman ang aktor kaso talagang natatabunan siya ng mga kasama niya sa serye. Bago pa lang naman siya kung ikukumpara sa mga aktor na kasama niya sa programa kaya baka naman magkaroon siya ng improvement sa mga susunod na episode.

Kaya sa kampo ng magka-loveteam imbes na magreklamo o magtampo, push n’yo na lang na mas magpursige at workshop pa more ang aktor para sa mga susunod niyang proejcts ay hindi na siya mapag-iwanan.

May nagsasabi rin na kahit ang ka-loveteam ng aktor ay kulang din sa akting, kaya dapat karirin pa nila ang pagwo-workshop para magkaroon din sila ng sariling istilo sa acting.

Hindi ito paramihan ng supporters para masasabing sikat na ang isang artista o loveteam, dapat may talento rin.

Sabi nga ng sikat na TV host nang makatsikahan namin tungkol sa mga baguhang artista, “Dapat may laman din ang utak bukod sa itsura, pag-arte, pagkanta at pagsayaw.”

 

Read more...