Unang lindol ng 2018

    Naramdaman ang unang lindol ng taon alas-12:04 kaninang umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology may lakas na magnitude 2.6 ang lindol. Ang sentro nito ay 10 kilometro sa kanluran ng bayan ng Bansud sa Oriental Mindoro.
    May lalim itong 22 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Samantala, alas-8:04 ng umaga ng maramdaman ang lindol sa Negros Oriental. Ang sentro nito ay 13 kilometro sa kanluran ng bayan ng Dauin.
    Nagresulta ito sa Intensity I paggalaw sa Sibulan.

Read more...