Erich kay Daniel: Hindi siya humingi ng tawad, pero pinatawad ko na siya!

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

PINATAWAD na ni Erich Gonzales ang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga sa lahat ng mga naging kasalanan nito noong magkarelasyon pa sila.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, natanong ang aktres kung posible bang maging magkaibigan pa sila ni Daniel kahit na hindi hindi naging maganda ang kanilang break-up.

“Ako po, he didn’t ask for forgiveness pero I have forgiven him na,” tugon ng dalaga kasabay ng pagsasabing ayaw na rin niyang pag-usapan ang nakaraan nila ni Daniel.

Dugtong pa ng bida ng MMFF 2017 entry na “Siargao”, “Kasi it’s all in the past and I live in the now, iyong present po. Tapos na po iyong chapter na iyon sa buhay ko and I just want to move on, move forward. Life goes on.”

Read more...