Kylie Versoza 'buckle queen' sa MMFF gabi ng parangal; Paolo Bediones nahawa | Bandera

Kylie Versoza ‘buckle queen’ sa MMFF gabi ng parangal; Paolo Bediones nahawa

Ambet Nabus | December 31,2017 - 12:25 AM

 

DAPAT pang sanayin ni Kylie Verzosa ang sarili para mas maging epektibo siyang program host.

Sa nakaraang 2017 MMFF awards night, kahit binabasa na lang niya ang sasabihin ay nagba-buckle pa ang beauty queen. Kahit ang kanyang co-host that night na si Paolo Bediones ay parang nahawa na rin sa ilang mga bloopers niya.

Viva Entertainment ang may hawak sa naturang event kaya pala halos lahat ng talents nila ay naisalang at nabigyan ng exposure that night.

Awang-awa lang kami sa isang female talent nila na nagkamali ng anunsyo sa supposedly cash prize na mapapanalunan ng Male and Female Stars of the Night (won by papa Derek Ramsay and Erich Gonzales). Hindi lang kasi siya pinagtawanan ng audience kundi kinantiyawan pa.

Pero medyo na-turn off lang kami sa ginawa ng isang member ng MMFF committee when he gave papa Derek a 20 peso bill habang papakyat ng stage.

Siguro ang layunin nito ay magpatawa o gawing light ang pagkakamali ng nag-announce. Na sinagot naman ni papa Derek ng, “Hati tayo sa P20!” habang nakatingin kay Erich.