Bossing kay Pauleen: Proud na proud ako sa misis ko!

PAULEEN LUNA AT VIC SOTTO

GAYA ng inaasahan, isa ang pelikula ni Vic Sotto na “Meant To Beh” sa mga pinilahan ng mga manonood sa sinehan noong araw ng Kapaskuhan. For sure, na-miss ng fans na mapanood si Bossing sa MMFF.

Kunsabagay, mismong si Vic ay umamin na na-miss din niya ang kanyang fans last December dahil hindi nga napili ang movie nila. When we asked him kung ano’ng meron at lagi siyang gumagawa ng pelikula para sa filmfest, “Aba e, panata ko na ‘to,” mabilis na sagot ni Vic.

“Kaya nga last year, e, nalungkot ako ng konti dahil hindi ako nakasakay ng float. Hindi ako nakasama sa parada. Pero okey lang, nirerespeto ko naman ang desisyon nila.”

He really feels good daw na may movie ulit siya sa MMFF at nakasakay na ulit siya sa float, “Sarap kaya. Ang daming tao. Tapos kumakaway ka. Tinatawag ka. Ang sarap ng pakiramdam ng ganu’n. Very fulfilling. Tapos babati ka, ‘Hi, fans!”

Personally, very meaningful kay Vic ang Pasko this year. Una na nga dahil sa kanyang misis na si Pauleen Luna at ang pagkakaroon ulit niya ng anak after 26 years, “Matagal-tagal na rin ‘yun. ‘Yung bunso ko, si Paulina, 26 years old na. May asawa na nga, e.

“Hands-on mom si Pauleen. This is one of her dreams to have a baby of her own. Tuwang-tuwang siya.

And I’m proud of her because she’s really a hands-on mom,” say pa ni Vic.

Read more...