HINDI na kailangang magmakaawa ng producers ng “Ang Larawan” sa mga cinema owner para huwag itong tanggalin sa kanilang mga sinehan.
Matapos tanghaling Best Picture, tumanggap ng Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, best production design, best musical score at Best Actress sa isa sa lead stars na si Joanna Ampil last awards night, ibinalik na ito sa ilang sinehan at tinatangkilik na ng manonood.
Ayon sa isa sa producers na si Girlie Rodis, gumaganda na ang resulta nito sa takilya at nadagdagan na sila ng sinehan.
Pawang magaganda rin kasi ang naglabasang reviews ng Loy Arcenas movie, kaya dumami ang naging interesadong panoorin ang pelikula.
Natutuwa naman sa mga natatanggap na feedback si Ryan Cayabyab (gumawa ng musika ng pelikula) dahil paglabas ng mga sinehan ay kumakanta na rin ang mga nakapanood, huh!
q q q
Sasalubungin ng GMA Network ang taong 2018 ng isang petmalu na pasabog ngayong gabi sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard, ang GMA New Year Countdown to 2018: Buong Puso Para sa Kapuso.
Isang gabi ng non-stop entertainment, fireworks at merry-making ang hatid ng Kapuso stars na magpapasaya sa pagsalubong ng bagong taon.
Pangungunahan ni Alden Richards ang bonggang palabas kung saan ipapamalas ng Pambansang Bae ang kanyang bagong dance moves at iba pang musical numbers.
Makakasama ni Alden sina Mark Herras, Benjamin Alves, Rocco Nacino, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Jeric Gonzales, Addy Raj, Matthias Rhoads, Juancho Trivinio, Jason Abalos at Migo Adecer sa isang macho and boy next door performance.
Magpapainit naman ng gabi ang Kapuso leading ladies na sina Bianca Umali, Joyce Ching, Klea Pineda, Ayra Mariano, Dennis Barbacena, Lindsay de Vera, Hanna Precillas at 2017 Miss Reina Hispanoamericana Teresita Marquez.
Magsasama sa isang musical entertainment sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose. Meron ding sizzling performance sina Kris Bernal, Sanya Lopez at Andrea Torres.
Babaliwin naman ang mga tao ng mga komedyanteng sina Tetay, Valentin, Maey Bautisa, Nar Cabico at Betong Sumaya sa throwback number nila sa kaganapan ng 2017.
Nasa ika-10 taon na ang partnership ng GMA Network at SM Mall of Asia para sa paghahatid ng saya sa publiko bago matapos ang taon. May itatalaga pang mga pulis upang maging safe at secure ang lugar.
Mapapanood nang live, 10 p.m., ang 2018 Salubong na ito ng Kapuso Network.