Baron muling nangako na magbabago na; gagayahin si Bioman sa 2018

 


MULI, nangako ang kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler na magbabago na sa pagpasok ng 2018.

Ayon sa binata, kung may isang New Year’s resolution daw siya sa darating na Bagong Taon, yan ay ang kalimutan na ang dati niyang pagkatao.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Baron ng selfie photo kung saan wala siyang pang-itaas na damit. May caption ito na: “Goodbye old me!”

Dugtong pa niya, “I’m embracing this New Year at hindi hangin at phone ang laging hawak. Dapat lumawak parang si Bioman.”

Bukod dito, isa pang photo niya ang ipinost niya sa IG kung saan may kasama siyang dalawang lalaki na burado ang mukha. May caption ito na: “Ngayon taon iwasan na ang mga negavibes na tao!”
Sey ni Baron, nagpakuha raw ang dalawa sa kanya para hiyain siya sa social media. Tinawag din daw siyang laos ng mga ito.

Read more...