Alden: Nagkausap kami ni Maine bago siya umalis!

NAKATAKDANG bigyan ng blow out ni Alden Richards ang kanyang fans bilang bahagi ng kanyang kaarawan sa Jan. 2. Makakasama niya ang kanyang loyal supporters ng isang araw sa Enchanted Kingdom na tinagurian niyang “One Fine Day with Alden.”

Nitong nakaraang mga araw, dumating si Alden mula sa Japan kasama ang buong pamilya. Halos wala pang 24 hours pagdating niya, isinagawa na niya ang pasasalamat niya sa entertainment press na pinakain niya ng lunch sa kanyang Concha’s Garden sa Toma Morato.

Balita ng Pambansang Bae, next year ay available na sa franchising ang Concha’s dahil balak na niya itong palawakin.

Pagdating naman sa trabaho sa TV at movie, nasa planning stage pa raw ang lahat. Basta ang naka-line up niyang gagawin ay maging bahagi ng New Year’s Countdown ng GMA sa Dec. 31, ang live presentation ng Eat Bulaga sa Jan. 1 at ang birthday special niya sa Eat Bulaga sa Jan. 6.

Naka-schedule rin siyang mag-show sa Sydney, Australia sa January at magiging special guest sa pagbubukas ng GMA Pinoy TV sa New Jersey at Toronto, Canada.

“Yung tungkol naman kay Maine (Mendoza), nagkausap kami bago siya umalis. We both deserve the break para makasama ang aming pamilya. She’s enjoying her time kasama ang family niya sa States,” ang pagse-share ni Alden ng mga nagaganap sa kanyang buhay at career.

Hindi pa rin nakakalimot si Alden sa press na patuloy na sumusuporta sa kanya kaya naman nang dumating na siya sa Conchas, nag-uunahan ang members ng media na magkaroon ng selfie sa Pambansang Bae, huh!

Read more...