Guro magdi-DH

Sulat mula kay Lisa ng Lutayan, Sultan
Kudarat
Dear Sir Greenfield,
Hindi ako nakapasa sa board exam ng pagka-guro kaya hindi ako makapagturo. Dahil nagsasawa na ako sa pagiging istambay, nag-apply ako sa agency bilang DH sa ibang bansa. Sa Middle East ito.  Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ako sa taon ito o sa 2014? Wala rin akong boyfriend, kaya gusto ko ring malaman kung kailan ba ako magkaka-boyfriend? May 12, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Lisa ng Lutayan,
Sultan Kudarat
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Suwerte ka, dahil may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung bigo ka man sa iyong propesyo bilang guro, sa pangingibang bansa, kahit na domestic helper lang, tiyak ang magaganap, matutuloy ka at sa nasabing pag-aabroad, uunlad at papalarin ka.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Eight of Clubs, at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing lilipas ang ilang buwan, sa taon 2014 sa buwan ng Enero, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy

Read more...