Mga nabiktima ng paputok umabot na sa 72-DOH

SINABI ng Department of Health (DOH) na umabot na 72 ang mga kaso ng naputukan matapos ang 11 karagdagang mga nabiktima ng mga paputok ilang araw bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Idinagdag naman ng DOH na 40 porsiyentong mas mababa kumpara sa mga kaso sa kahalintulad na panahon noong isang taon.
Sinabi ng DOH na umabot sa 32 kaso ang naitala sa Metro Manila, sinundan ng Western Visayas, na may siyam na kaso at walong kaso naman sa Bicol region.
Sa Metro Manila, Maynila ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na may 21 biktima ng paputok, na sinundan ng Mandaluyong City at Quezon City, na may tig-apat na kaso.

Read more...