DOLE naglabas ng P30M para sa mga apektadong empleyado ng NCCC mall, SSI

IPINAG-UTOS ni Labor Secretary Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapalabas ng P30 milyon bilang ayuda sa mahigit 2,000 empleyado na naapektuhan ng sunog ng NCCC mall sa Davao City noong isang linggo.

Tiniyak ni Bello na mabibigyan ng trabaho ang lahat ng mga manggagawang apektado ng sunog kung saan 38 ang nasawi.
Idinagdag ni Bello na nakipagpulong na ang kinatawan ng DOLE sa pamunuan ng NCCC Mall at ng business process outsourcing firm na SSI.
Idinagdag ng DOLE na gagamitin ang P30 milyon para sa emergency employment ng mahigit 2,000 empleyado sa loob ng 30 araw.
Magbibigay din ang Employees Compensation Commission (ECC) ng P30,000 burial assistance sa pamilya ng 38 biktima.
Susundan ito ng P3,700 buwanang pensyon para sa pamilya ng mga nasawi.
Magbibigay naman ang DOLE regional office sa Davao ng karagdagang P20,000 ayuda para sa bawat pamilya ng 38 namatay sa sunog.
Nauna nang nangako ang NCCC na hindi mawawalan ng trabaho ang 616 na regular na empleyado, kung saan itatalaga sila sa ibang negosyo.

Read more...