MARAMING nag-like at nag-share ng video ni Gretchen Ho kung saan tinanong niya ang feng shui expert na si Hanz Cua kung ano ba ang pampswerte para sa lovelife.
Maririnig sa video ang question ng TV host na, “Ano bang pampasuwerte ng love life?” Na sinagot naman ni Master Hanz ng, “Single ka pa ba? Wala ka pa bang love life?”
Pasigaw namang sagot ng dalaga, “Single! Single!”
Ito ang nakakaaliw na payo kay Gretchen: magsuot ng rose quartz accessories at pink na underwear.
“Magtirik ka ng tatlong kandila sa February 16 and make your wish sa south sector ng bedroom mo.
Gagawin mo ‘yan for 30 minutes sa pagsalubong sa bagong taon (Chinese New Year) para magkaroon ka ng love life.”
Wala pa ring boyfriend si Gretchen hanggang ngayon matapos silang maghiwalay ni Robi Domingo.
Ayon sa ex-couple, oras ang isa sa naging problema nila sa kanilang relasyon.