LOVE na love ni Kris Aquino si Alden Richards. Bilib na bilib daw siya sa kabaitan, disiplina at kasipagan ng Pambansang Bae.
“I love Alden. I’m really a fan. Talagang tuwang-tuwa ako sa kanya, you know, kasi ang bango-bango niya tingnan, di ba? Hindi kami close talaga, ha!” ang sabi ni Kris sa isang online video kung saan tinanong siya kung sinu-sino ang kanyang celebrity crush.
Nagagalingan din daw siya sa binata bilang aktor, lalo na sa documentary drama ng GMA na “Alaala: A Martial Law Special,” “Galing na galing ako sa kanya talaga, di ba nga, pinost ko nga, e.
“That martial law special four times kong pinanood, galing na galing ako sa kanya doon,” aniya pa.
Bukod dito, napanood din daw ni Kris ang telesine nina Alden at Maine Mendoza, “Yung Love Is, yung sa kanila ni Maine, twice ko na napapanood.”
Hinding-hindi rin daw malilimutan ng Queen of All Media ang pagiging humble ni Alden nu’ng minsang magkrus ang kanilang landas, “Before-before pa (nagkakilala na kami), before the whole AlDub. He was so cute because he said, ‘Miss Kris, I’m Alden.’
“Sabi ko, ‘I know you!’ Yung ‘Little Bossings’ days ito. Kasi sinabi ko sa kanya, ‘Every day nadadaanan ko yung billboard mo nung papunta ako sa ABS.’ Kasi sa GMA ako nagyu-U turn, noong time na yun, he had a serye.
“So, ang laki-laki ng billboard niya, sabi ko, ‘Kilala kita because of your billboard.'”
Ayon kay Kris, gusto niyang makuha ng bunso niyang anak na si Bimby ang magagandang qualities ni Alden.