PARA kay Claudine Barretto, isang himala ang nangyari sa pagtulong niya sa isang lalaking biktima ng pamamaril kamakailan.
Sa isang panayam, sinabi ng aktres na hindi siya nagdalawang-isip na pasakayin sa kanyang kotse ang biktima kahit na nga duguan na ito. Kahit naman daw sino ang nasa katayuan niya nu’ng mga oras na ‘yun ay ganu’n din siguro ang gagawin.
“Nahiya sila (pamilya ng biktima) kasi puro dugo nga iyong kotse. Pero siyempre, ginawa ko lang naman kung ano iyong gagawin ng kahit sino siguro na nasa posisyon ko,” aniya.
Dagdag pa niya, “It was a miracle. Siguro I was at the right place at the right time.”
Hindi ba siya natakot na madamay sa nasabing shooting incident, “Wala, tulong agad. Hindi ako natakot sa dugo. Hindi ko alam kung bakit. Ang instant reaction ko was to make sure na kailangan madala agad sa hospital (ang biktima).”