Relasyong Julia-Coco solid pa rin

JULIA MONTES AT COCO MARTIN

SINUPORTAHAN din ni Julia Montes ang pelikula ni Coco Martin sa MMFF na “Ang Panday”.

Nag-post ang aktres sa kanyang social media account na bumili siya ng 13 tickets para sa pelikula.

Nitong Martes ay ni-retweet ng CocoMartinPH ang biniling tickets ng rumored girlfriend, “Maraming Salamat Julia Montes! Tara na sa mga sinehan! #AngPanday #AngPanday2ndBlockbusterDay.”

Totoo talaga ang kasabihang actions speaks louder than words dahil maski hindi nakikitang magkasama ang dalawa at may mga lumalabas pang balitang nagkahiwalay na o hindi na nag-uusap ay makikitang hindi ito totoo.

Basta ako bossing Ervin, botong-boto kina Coco at Julia.

Read more...