Alden sa AlDub: Hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya! | Bandera

Alden sa AlDub: Hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya!

Djan Magbanua |December 28,2017
facebook
share this

Alden sa AlDub: Hintayin na lang po natin ang pagbabalik niya!

Djan Magbanua - December 28, 2017 - 03:56 PM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

Patapos na ang taon pero tuloy-tuloy pa rin ang commitments ni Alden Richards.

At ngayong papasok ang bagong taon, magiging busy pa rin siya dahil marami siyang show abroad tulad sa Sydney. Magkakaroon din ng GMA Pinoy TV sa New Jersey at Toronto.

Napauwi naman from his bakasyon ngayon si Alden dahil sa New Year countdown na gagawin ng GMA.

“Kaya po ako napauwi nang maaga kasi ginagawa ko yan. Every year ginagawa ko yung GMA New Year countdown for the past seven years na po.”

Bukod dito mayroon din siyang upcoming fans day na magaganap sa Enchanted Kingdom sa January 6.

Magkakaroon din ng birthday special sa Eat Bulaga si Alden na gagawin daw live sa darating na buwan.

Birthday wish nya?

“Katulad nga ng sinulat ko sa Instagram stories ko peace, continuous blessings po saka stability. Simple lang naman po kasi very much contented naman ako for everything.” sey ng Pambansang Bae.

At dahil malapit na nga ang bagong taon, naitanong kay Alden kung ano ang New Years Resolution nya.

“Resolution? Ay hindi po ako nag-reresolution eh. Kasi hindi naman po kailangan hintayin ang bagong taon para magbago. Kung pwede naman kasing baguhin at this moment, baguhin na natin wag ng antayin ang New Year.”

Siyempre hindi nakaiwas si Alden na matanong tungkol kay Maine Mendoza matapos nga ang nag-trending na post ng kanyang ka-loveteam sa blog nito.

“Yung kay Maine po maraming gustong magtanong eto lang po ang gusto kong sabihin with regards to everything. Nag-usap po kami bago siya umalis. And I’m very happy that she’s having fun spending the holidays with her family sa abroad and at the same time nangyari rin sa akin I get to spend time with my family parang we really both deserve those breaks, far from everything. Hintayin na lang po natin ang pagbabalik nya.” sey ni Alden.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending