Horoscope, December 28, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Likas kang suwerte, lalo na sa career at pag-ibig. Sa career may mga pangingibang bansang itatala, habang sa pag-ibig, maaaring isang foreigner ang iyong maka-isang dibdib. Mapalad ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagpasok ng 2018 wag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na pa lang savings. Mapalad ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Upang maging lubos ang ligaya wag ubusin ang pera sa pagpapasarap. Magtira para sa kinabukasan! Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng kasuyong matanggal ng nanabik sa iyo. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel”. White at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa taong 2018 iwasan ang mga kumplikadong transaksyon. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo sa mga lugar na malapit sa nature, upang lalong uminit at sumigla ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pagpasok ng taong 2018 hindi awa ang dapat pairalin kundi ang pagiging mukhang salapi upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang mananaig paano ka makakaroong peace of mind? Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Black at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang magdalahira! Imbis na maging pera, magiging bato pa, kung papakialaman at ikukunweto mo na naman ang buhay ng iba. Kung ayaw mong mapagtsismisan wag mo ring paki-alam ang buhay ng iyong kapwa. Mapalad ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pagpasok ng 2018 iwasang makisawsaw sa gawain ng iba. Ang sariling proyekto ang atupagin upang mas madaling umunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Gawing New Year’s resolution ang pag-iipon. Mag-ipon para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at mapag-hanap. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pakikisalamuha sa lipunan sa 2018 mas madali kang uunlad. Tularan mo ang aso, mahilig maglalabas ng bahay. Sa pag-ibig utusan mo ang iyong kasuyo sapagkat tiyak naman siyang susunod sa iyo. Mapalad ang 9, 18, 23, 27, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Om.” Beige at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sundin ang sinasabi ng damdamin at intuition! Sa pag-ibig ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Pink at silver ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, hindi mo ba napapansin malapit na malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat makialam ang kasuyo sa iyong diskarte. Oo ikaw ang dapat na laging nasusunod. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa 2018 layuan ang mga kaibigang inuuto at binobola ka lang. Matutong mamuhay ng hindi na nakasandal sa ibang tao ang iyong kaligayahan. Walang ibang magiging tapat sa iyo kundi ang kasuyong Gemini. Mapalad ang 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum, Trium, Savitra-Om.” Silver at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa 2018 dagdagan mo pa ang pagsisipag at pagsisikap. Dahil sa panahong ito, tuloy-tuloy ng aangat ang kabuhay patungo sa tiyak na pagyaman. Sa pag-ibig, kapag mayamang-mayaman ka na, doon lamang maniniwala sa iyo ng husto ang iyong kasuyo na pala kontra. Mapalad ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Red at blue ang buenas.

Read more...