Babaeng KathNiel fan pinaiyak ni Daniel bago mag-Pasko

DANIEL PADILLA

ANG daming natuwa sa gesture ni Daniel Padilla nang paakyatin nito sa float ng “Revenger Squad” ang isang young female fan.

Sobrang naiyak talaga ang fan dahil mismong si Daniel ang umalalay sa kanya para makaakyat siya ng float ng MMFF movie ni Vice Ganda. Hindi akalain ng fan na pag-aaksayahan siya ng panahon ni Daniel kaya naman napaiyak na lang siya nang hawakan ang kamay niya para makaakyat siya sa float.

Actually, malapit sa fans ang bida ng La Luna Sangre. Kahit na nga sa taping nila, hindi puwedeng hindi pagbigyan ni Daniel ang ilang fan na maka-selfie siya o makamayan man lang.

Patindi nang patindi ang mga kaganapan sa La Luna Sangre lalo pa’t kung sinu-sino na ang naapektuhan ng itim na tinta. Si Malia (Kathryn Bernardo) ay handang ibuwis ang kanyang buhay mailigtas lang niya si Tristan (Daniel) sa kamay ni Sandrino (Richard Gutierrez).

 

Read more...