ISANG lalaking biktima raw ng pamamaril sa Rizal ang tinulungan daw ni Claudine Barretto para madala sa ospital.
Sa report ng ABS-CBN kahapon, sinabi raw ng mga kapamilya ng biktimang si Abelardo Espela na pinasakay sila ni Claudine sa sasakyan nito matapos silang marinig na nagmamakaawa at umiiyak sa isang hospital sa Marikina.
Hindi raw kasi ina-admit sa nasabing hospital ang mga biktima ng pamamaril. Kaya kahit duguan, pinasakay ni Claudine ang biktima at siya na ang nagdala sa isa pang ospital.
Habang isinusulat namin ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng official statement ang estranged wife ni Raymart Santiago.
MOST READ
LATEST STORIES