Gerald, Bea magkasamang nag-celebrate ng Pasko sa Amerika

 

IN fairness, talagang napapanatili nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang pa-low-profile nilang relasyon para iwas intriga at kontrobersya.

Hindi pa diretsong umaamin ang dalawa tungkol sa kanilang special relationship pero kung ang pagbabasihan ay ang kanilang mga sweet photos together sa social media ay bobo na lang ang maniniwalang hindi pa sila. Very obvious naman kasi na super in love sila sa isa’t isa.

Nitong nakaraang Pasko, pinaniniwalaang magkasama ang dalawa sa Amerika para doon mag-celebrate. Isang litrato ang naka-post sa Instagram kung saan nakunan silang magkasama airport patungong US. Sa huling panayam sa lead actor ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin, sinabi nitong sa Amerika siya magpa-Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Read more...