SINAGOT ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ang mga netizens na nagsasabing bading daw siya. Matapang na nakipag-usap ang bata sa mga social media followers ng kanyang ina tungkol sa isyung ito.
Aware si Bimby na may mga namba-bash sa kanyang about his sexuality pero aniya bakit daw may mga taong napakadaling mag-judge sa kanilang kapwa, lalo na sa tulad niyang bata.
Sa isang video na ipinost sa social media accounts ni Kris kung saan inilibot niya ang mga netizens sa kanilang bahay, nasabi niyang, “It’s not easy to be my kids because wherever they go, di ba, may social media, may mga issues, may mga ano…”
Dito na sumingit si Bimby at nag-dialogue ng, “Like, people think, like, I’m homosexual.” Na sinagot naman ng Queen of Social Media at Internet World ng, “Yeah, don’t be homophobic, right? That’s the whole message and whatever your choice is in life, that’s your choice.”
Hirit naman ni Bimby, “Why would you judge a child?” Umoo naman si Kris sabay sabing, “Don’t judge a child and don’t make the decision for the child.”
Dagdag naman ni Bimby, “It’s because we’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck for me yet.”
Inamin naman ni Kris na hindi pa siya ready sa pagbibinata ni Bimby. “Two and a half more years, mom,” hirit ng bagets sa kanyang nanay.
Sagot naman ni Tetay, “I’m not ready, Bimb. Huwag muna, okay, yung ano…Hindi pa ready ang mama mo for that.”