NAGSIMULA na kahapon sa GMA Telebabad ang panibagong handog ng GMA Heart of Asia, ito ay ang inspiring story ng The Romantic Doctor.
Tampok ang veteran Korean actor na si Han Suk Kyu bilang ang legendary Daniel Boo o mas kilala bilang Master Kim. Sikat siyang doktor sa Seoul pero dahil sa isang insidente ay kinailangan niyang magpakalayu-layo at lumipat sa Doldam Hospital.
Dito ay makikilala niya sina Marcus (Yoo Yeon Seok)—isang batang doktor na gustong maghiganti sa mga doktor na pinabayaan ang kanyang ama, at si Abby (Seo Hyun Jin), na dahil sa isang aksidente ay mapipilitang sa Doldam Hospital na lang din magtrabaho.
Iikot ang kwento sa iba’t ibang klase ng pasyente na susubok sa kanilang pasensya at prinsipyo sa buhay. Si Master Kim ang magtuturo kina Marcus at Abby na unahin ang paglilingkod kaysa ang kahit anong makasariling bagay.
Mapapanood ang Romantic Doctor tuwing Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.