BiGuel maraming natututunan kina Carmina at Jean

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

RAMDAM ang excitement ng Kapuso heartthrob na si Miguel Tanfelix kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga susunod nilang eksena ni Bianca Umali sa Kapuso primetime series na Kambal Karibal.

Siguradong ikabibigla raw ng mga viewers ang twist and turns sa Kambal Karibal at talagang pinaghahandaan daw nila ang bawat eksena sa serye para mas lalong ma-hook ang mga manonood.

Sey pa ni Miguel, kahit daw may adjustment pa silang ginagawa sa serye dahil nga medyo mature na ang atake nila sa kanilang nga karakter, masaya pa rin sila tuwing taping lalo na ang makatrabaho ang mga magagaling na co-stars nila sa KK.

Napakarami raw nilang natututunan mula kina Jean Garcia, Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Alfred Vargas at iba pang veteran stars na nakakaeksena nila. Unang-una na nga riyan ang tamang attitude sa trabaho.

“Yun bang kahit pagod na pagod ka na, kahit ang hihirap ng mga eksena, nakukuha mo pa ring tumawa at makipagbiruan sa mga kasama mo dahil ang saya lang,” ani Miguel.

Dagdag pa ni Miguel, bagama’t busy ngayong Christmas season, hindi sila nawawalan ng gana at energy tuwing may taping dahil aniya, “Happy lang kasi lagi sa set. Kahit na nakakapagod at mabibigay yung mga eksena, ang light pa rin sa pakiramdam dahil lahat kami naging super close na.”

Taos-puso ring pasasalamat si Miguel sa sunod-sunod na projects at pagtitiwala ng mga GMA bosses sa loveteam nila ni Bianca na hanggang ngayon ay patuloy na sinusuportahan ng Kapuso viewers.

Sey nga ni Bianca, napakaswerte nila ni Miguel dahil kahit ilang taon na ang tambalang BiGuel ay walang-sawa pa rin ang pagtutok sa kanila ng mga fans kaya mas lalo pa raw silang ginaganahang magtrabaho.

Napapanood pa rin ang Kambal Karibal pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.

 

Read more...