Bangayan ng mag-amang Paolo, Isabelle Duterte viral na

ISABELLE DUTERTE

PINAGPIYESTAHAN ng madlang pipol ang bangayan ng mag-amang Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Isabelle Duterte.
Maraming na-shock sa pasabog ng apo ni Pangulong Duterte laban sa kanyang ama.
Sa post niya sa Twitter, sinabi ni Isabelle na taun-taon na lang ay  sinisira ng tatay niya ang kanyang Pasko,
“My dad fu*ks up my Christmas every year. What a time to be alive.”
Sinundan pa ito ng mas matitinding akusasyon laban sa kanyang ama. Narito ang magkasunod niyang tweet (sa Bisaya): “Dili ingon naa kay posisyon sa city kay pwede naka mangulata!!!! di ingon naa kay power kay pwede naka manakit ug tao!!!! tao gihapon na imong gina hilabtan!!!! di lang kay tao, bata na!!!!”
(Hindi porke may posisyon ka  puwede ka nang manakit ng tao. Tao ‘yan na iyong pinag-interesan! Hindi lang tao, bata ‘yan!)
“Dili ingon naa kay pangalan pwede naka mag ana!!!! Dili ingon kay Duterte ka, pwede na!!!” (Hindi dahil meron kang kapangyarihan, puwede mo na gawin ang mga gusto mo. Hindi dahil isa kang Duterte, puwede na!!!)
Narito naman ang sagot ni Paolo Duterte sa mga sinabi ng anak na kanyang ipinost sa Facebook (isinalin na sa Tagalog): “Hindi ibig sabihin na inutusan ka ng dalawang beses ng mga taong ‘yan ay tatahimik na lang ako. Kung walang pakialam ang iyong ina at ama-amahan, puwes ako hindi.
“Hindi dahil ako ay isang Duterte, kundi dahil ako ay isang ama. Magpabago ka ng apelyido kung gusto mo. Wala ka nang respeto. Mag-aral ka na nga lang para hindi na mablangko ang utak mo.
“Hindi ka na marunong makinig dahil sikat ka na? Sikat sa ano, Belle? Sikat sa pagiging bastos sa kanyang ama?Hintayin mo na lang na mamatay ako para malaya ka na. Ipagdasal mo.
“Alam ko na lahat tayo ay mapapahiya dito sa post ko. Pero ito ang gusto mo! Puwes, wala akong pakiaalam, anak kita! Wala akong pakialam sa ibang tao kung ito ang paraan para malaman ng mga tao ang pinaggagawa mo.
“FIX YOUR F*CKING LIFE FIRST before i will stop ‘f*cking up’ your christmas every year.”
Tila nang-aasar pang ipinaalala ng alkalde sa mga netizen na, “Huwag niyong kalimutan mag-like para manalo ako sa padamihan ng likes sa aking napakabuting millennial na anak. Salamat.”
 
Kamakailan, naging laman din ng balita si Isabelle dahil sa kanyang pre-debut photo shoot na ginawa sa loob mismo ng Malacañang. Maraming nam-bash sa dalaga pero ipinagtanggol naman ng kanyang lolo.

Read more...