Horoscope, December 23, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Ituloy ang naiisip na negosyo at iba pang pagkakakitaan, pagkakataon mo na upang umunlad at lalo pang yumaman. Ang mga taong isinilang sa petsang 23 tulad mo ay talaga namang yumayaman, higit lalo kung ang iyong mapapangasawa ay isinilang sa petsang 5, 14 at 23. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Maya-Beeja-Om.” Green at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pagpapakumbaba, lalo kang sasagana. Sa pag-ibig, walang magagawa sa kagustuhan mo ang kasuyong Sagittarius, maa-under mo na naman siya. Mapalad ang 3, 15, 18, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om-Mitra.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pinansyal, mabibingit ka na naman sa mga pagkakautang na hindi na kayang bayaran. Sa pag-ibig at pinansyal, isang malapit na kaibigang Virgo ang maaari mong malapitan. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Umiwas sa mga kabarkdang walang naituturong maganda. Mas mainam na pahalagahan mo ang personal mong buhay at ang pamilya. Sa pag-ibig, tandaang ang salapi ang nakapag-bibigay ng isang mas maligayang suyuan. Mapalad ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tarah-Jawalah-Om.” Silver at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pinansyal, kapag masyado mahina ang iyong loob lalo ka lang mag-hihirap. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyong Capricorn sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kayong uunlad Mapalad ang 5, 17, 22, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Khangaya-Aum-Dyanama.” Green at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Hindi nasusukat sa maluhong pamumuhay, ang sinasabi nilang mayaman! Magtipid ka, yan ang “sure way” upang yumaman. Sa pag-ibig, tama ang mungkahi ng kasuyo, wag kang masyadong mabarkada, ituon ang konsentrasyon sa inyong relasyon. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siddhi-Mori-Om.” Purple at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig tuloy ang lihim na pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Keh-Balam.” Silver at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ang pagkilos ang daan upang umunlad ang kabuhayan. Gawin mo na ngayon ang mga bagay na alam mong kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hikayatin ang kasuyo na magpayaman upang mas madaling umasenso ang inyong pamilya. Mapalad ang 4, 15, 24, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Grahala-Dosya-Om.” Sky blue at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang magyabang upang hindi ka kaiingitan. Sa pinansyal, simpleng regalo na lang na mumurahin ang balutin upang makatipid sa budget. Sa pag-ibig, naiinip ang kasuyo, yayain manood ng film festival. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Yantra-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang umansenso hanggang sa yumaman, dagdagan pa ang pagsisipag. Sa pag-ibig, kahit umunlad ka ng umunlad, wag namang kakalimutan ang kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 33, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Savitre-Om.” Blue at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Muling babalik ang dating suwerte at tagumpay, basta ang mahalaga kumilos kang lagi. Kung nasa bahay ka naman, panatiliing busy ang sarili. Sa pag-ibig, may magandang bagay kang matatanggap buhat sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Om.” Gold at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa panahong ito ng kapaskuhan, unti-unti ng mahahawi ang mga problema. Pagbungad na pagbungad ng 2018, makikita mo makapagbabagong buhay ka na, magdaratingan na ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Agla-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa Paskong darating ituon ang isip sa pagtitipid, upang hindi masyadong masaktan ang bulsa. Alalahanin mong bukod sa Pasko, magastos din ang Bagong Taon at dapat ding pag laanan ang Araw ng mga Puso. Mapalad ang 7, 13, 17, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sha-Ri-Padhani-Om.” Black at red ang buenas.

Read more...