Jasmine: Grabe! Ang dumi ng tingin nila sa akin!
NAGSALITA na si Jasmine Curtis tungkol sa tsismis na siya’y anorexic kaya sumobra na ang kanyang kapayatan. Ayon sa dalaga, walang dapat ikabahala ang kanyang fans dahil wala siyang sakit.
Marami lang daw talaga siyang trabaho ngayon at nagkasabay-sabay kaya medyo napabilis ang pagbagsak ng kanyang katawan. Pero aniya, hindi siya anorexic at maayos naman daw ang kanyang health.
“Sanay na ako at that point na maraming nagre-react na pumayat ako. Normal na ‘yung mga ganung comments. But there was one na nagulat na lang ako.
“Shocks, ang dumi ng tingin nila sa akin, ang pangit-pangit ng tingin nila sa pagkapayat ko,” paliwanag ni Jasmine sa isang panayam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.