NAGPASILIP na naman si Maine Mendoza nang kanyang alindog sa latest photo niya sa Instagram.
Two-piece kung two-piece ang drama ng Dubsmash Queen at tila wala siyang pakialam kung malamig sa kanyang kinaroonan, huh!
Suma-summer ang awra ni Meng ng mga sandaling ‘yon. “It’s (kind of) summer elsewhere,” caption ni Maine. South beach ang nakalagay na location ng picture niya.
Nang hanapin namin kung saang lugar ‘yon, nasa bandang Miami, Florida pala siya.
Sinusulit talaga ng Phenomenal Star ang bakasyon niya dahil pagpasok ng Jan. 1, 2018, sasabak na naman siya sa trabaho.
At kahit nakabakasyon, marami nang endorsement ang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Ibig sabihin, buong-buo pa rin ang tiwala ng mga advertisers kay Meng.
MOST READ
LATEST STORIES