“He (Pangulong Duterte) did not distinguish,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos tanungin kung sakop ng kautusan ni Duterte maging ang mga naproseso na.
Sa kanyang talumpati kahapon sa Davao City, ipinag-utos ni Duterte ang pagbabawal sa pagbibiyahe ng mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng departamento na sakop ng ehekutibo.
“Kaya umiinit talaga ang ulo ko. Kaya January 1, sabi ko sa… kay (Executive Secretary Salvador) Medialdea — Well, I do not want to interfere with Congress and the Supreme Court, inyo ‘yan eh. Dito sa akin, no travel now. I’ll cut it o whatever. Except the diplomats, ‘yung mga ambassador. ‘Yung travel…,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.
Ito’y sa harap naman ng ulat na may mga ahensiya na naka-iskedyul na ang mga biyahe sa ibang bansa sa 2018.
“Ayaw ko na lang sabihin mapahiya ‘yung tao. Basta sabihin ko muna walang travel. Mag-starvation diet muna tayo diyan. Every time you go out you spend per diems and then hotels plus the fare. Kaya lahat nag-travel na more than — I’ll look for plenty of victims. Ipatingin ko lahat. ‘Yung lahat na every month nag-travel, you go. I do not need you in the Executive department. So walang travel talaga,” ayon pa kay Duterte.
Ayon pa kay Duterte, papayagan lamang ang mga opisyal kung personal na rason, kagaya ng mga namatayan.