Horoscope, December 22, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Habang sagana, dapat lang na mag-ipon. Tama ang ginagawa mong pagi-invest sa mga bagay na may kaugnayan sa pagkain at butil. Sa pag-ibig, ipaglaban ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Maya-Beeja-Om.” Green at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Iwasang maging mayabang! Hindi dapat ipagmalaki ang mga nagawang kabutihan! Sa pagpapakumbaba, lalo kang pagpapalain ni Lord at magkakaroon ng mas marami pang mga biyaya. Mapalad ang 3, 15, 18, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om-Mitra.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Umiwas sa mga kabarkdang walang naituturong maganda. Panahon na upang ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi ang pahalagahan. Tandaang ngayong panahong ito ng Holiday Season salapi pa rin ang nakapagbibigay ng ligaya lalo na sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tarah-Jawalah-Om.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, huwag masyadong magastos, magtira ka naman para sa Bagong Taon at sa Araw ng mga Puso. Sa pag-ibig, lalong sasarap ang relasyon kung may matitira pa kayong pera hanggang Valentine. Mapalad ang 3, 15, 18, 23, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag magdesisyon ng nakasalik sa damdamin. Sikaping magpasya gamit ang utak upang tumabo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa mga bagay na pagkakaperahan upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Agla-Om.” Orange at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Muling babalik ang dating suwerte, basta ang mahalaga kumilos kang lagi. Kung nasa bahay ka naman, panatilihing busy lagi ang sarili. Sa pag-ibig, may magandang bagay kang matatanggap buhat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sahatsha-Aum-Sarva.” Gold at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Lagi ka na lang kinakapos sa oras! Maaaring panahon na upang ikaw ay yumaman, lalo mo pang dagdagan ang pagsisipag. Sa pag-ibig, kahit ano pa ang pumasok sa isipan wag namang kakalimutan ang kasuyong Libra. Mapalad ang 3, 18, 33, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Om-Savitre.” Blue at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi nasusukat sa maluhong pamumuhay ang sinasabi nilang mayaman! Tama ang mungkahi ng kasuyo, wag kang masyadong gumastos ngayong Pasko, tipirin ang hawak na pera. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siddhi-Om-Mori.” Purple at magenta ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag asahan ang iba! Sa sariling diskarte, makakaya mong magpayaman, basta’t lagi ka lang mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig ay ganoon din habang dumadami ang salapi lalo namang magiging romantic ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 16, 23, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Keh-Balam.” Silver at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mas mabilis na uunlad ang buhay kung pananatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo baka nasasakal na siya. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Yantra-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo rin. Itapon na kasi sa basurahan ang pagpapatansya at mga pangarap na hindi naman natutupad. Kailangang mabuhay ka sa realidad upang lumigaya. Mapalad ang 7, 13, 17, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sha-Ri-Aum-Padhani.” Black at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Iwasang mag-isip na mga negatibong bagay. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyong Libra sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kayong uunlad Mapalad ang 5, 17, 22, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Khangaya-Aum-Dyanama.” Green at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Wag mangako kung hindi kayang tuparin! Mabibingit ka na naman sa mga pagkakautang na hindi na kayang bayaran. Sa pag-ibig at pinansyal, isang malapit na kaibigang Cancer ang maaari mong malapitan. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at blue ang buenas.

Read more...