DEAR Ateng Beth,
Graduating na po ako ng senior high school. Habang maaga pa ay kailangan ko nang mag-enrol sa isang university or college.
Pero naguguluhan ako kung anong kurso ang dapat kong kunin. Under TVL on Cookery po kasi ako, bread & pastry noong Grade 11.
Payo ng karamihan sa akin, “hanapin mo yung gustung-gusto mong ginagawa ” kaso wala pa rin, eh, nahihirapan ako ate.
Balak ko lang mag- HRM pero magastos yun. Hindi naman kaya ng magulang ko.
Advice naman po ateng.
-Jane, Baguio City
Dear Jane,
Alam mo ba na ang pinakamalaki mong problema? Yung hindi ka sumusunod sa mga payo sa iyo.
Sa dami ng nagsabi sa iyo nang dapat mong gawin, yung gusto mo pa rin ang gagawin mo. Kung hindi magastos, yun din ang susuungin mo.
So para ma-appreciate mo ang pagsasayang ng mga payo ng mga kaibigan at kakilala mo, gawin mo yung gustong-gusto mong gawin – ang sumalungat sa payo ng hinihingan mo nito.
Kunin mo HRM tutal gusto mo iyon, magastos at di kaya ng magulang mo, e, di magtrabaho ka na!
Nakapag cookery ka na di ba; May bread and pastry pa? Ano gagawin mo sa mga natutuhan mo, iiimbak mo sa matigas mong kukote? E di gamitin mo yung natutunan mo para kumita at makaraket!
Tutal mukhang matatag naman personalidad mo, e, di gamitin mo na para sa ikaaasenso mo.
Magbanat ng buto, gumamit ng brain cells at suportahan ang iyong sarili.
Or pwede kang magpa counsel sa guidance counselor ninyo regarding career choices.
Try mong magpa-evaluate kung alin ang strength mo at san ka mag e-excell. Try mong makinig paminsan-minsan, iha.
Huwag ipilit ang gusto. O kaya wag kang magtanong kung di ka naman makikinig sa sagot.
Pustahan tayo sasalungatin mo rin sinasabi ko! Hahahaha! Kurutin ko yang ano mo eh!
May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963