Piolo pinapili ng Pamasko ang personal alalay: Cash o katawan?

MOI BIEN AT PIOLO PASCUAL

KALOKA talaga itong si Moira Marcampo, more popularly known as Moi, personal assistant ni Piolo Pascual.

Sa kanyang magkasunod kasing post sa kanyang Instagram account ay nang-iinggit ang hitad.

She posted a photo kasi of her and Piolo kung saan shirtless ang actor at kita pa ang part ng kanyang briefs dahil nag-hello ito sa kanyang show.

“Grabeh sya oh!! Goodnight bes!!” came Moi’s caption.

Ang daming nainggit kay Moi. Masuwerte raw itong meron siyang kuhang ganoon kay Papa P.

“Ano ba yan, ako pa magbabayad kay Papa P @piolo_pascual maging yaya nya lang ako!”

“Ang babaeng pinagpala.”

“Iba ka te. Ganda mu dyan.”

“ANG HOT NI PAPA PIOLO. UnderArmour yung briefs niya. Hehehehe.”

‘Yan ang ilang message kay Moi ng kanyang IG followers.

But it didn’t end there. She also posted this message sa kanyang IG account: “Humingi ako ng pamasko kay Papa P, dahil nakayakap ako sa kanya pinapili nya ako cash o katawan, hulaan nyo anong pinili ko…taghirap ngayon walang taping, siyempre pinili ko KATAWAN at 1 night stand!

Wahahahahahahaha! Madaling kitain ang pera harharhar!!!”

“Sana maintindihan nyo ako!!! Hahaha!” caption niya.

Naku, Moi, bukod kang pinagpala, ha. Kay suwerte mo!!!

Read more...