Alden nagpapakasarap sa Japan, walang paki sa mga nega

ALDEN RICHARDS

NAGPAPAKASARAP ngayon sa Japan si Alden Richards. Gintung-ginto para sa kanya ang napakasarap na bakasyong ito kasama ang kanyang pamilya.

Para sa isang artistang tulad ni Alden na sa paggising pa lang ay trabaho na agad ang iniintindi ay napakagandang pagkakataon ang niyayakap niya ngayon sa Japan.

Sinasamantala na niya ang pagkakataon dahil pagbalik niya bago mag-Bagong Taon ay para na naman siyang makina sa pagtatrabaho nang halos walang pahinga. Kayod na naman siya nang todo.

Walang kapaguran si Alden dahil una ay mahal niya ang kanyang trabaho, marami siyang pangarap para sa kanyang pamilya, maligaya na rin siyang napapaligaya ang ating mga kababayan.

Kahanga-hanga ang Pambansang Bae dahil sa kanyang disiplina. Magaling siyang humawak ng emosyon.

Hindi niya pinapatulan ang mga taong walang magandang magawa sa buhay kaya siya ang inaatupag na bulabugin.

Wala siyang panahon para sa ganu’n, ayaw niya sa negatibong kapaligiran, gusto niyang palaging masaya ang kanyang maghapon at wala siyang dapat intindihin dahil wala siyang sinasaktan, sinasagasaan at tinatapakan.

‘Yun si Alden Richards!

Read more...