TOTOO bang umabot sa P1.3 million ang halaga ng lahat ng gown na isinuot ng Presidential granddaughter na si Isabelle Duterte para sa kanyang pre-debut photo shoot?
Usap-usapan kasi ito ngayon sa social media kasabay ng kontrobersyal na pagpapalitrato ng dalaga sa loob mismo ng Malacañang Palace, na hindi nagustuhan ng ilang Pinoy. Para sa kanila, masyado raw ibinabandera ng apo ni Duterte ang kanilang posisyon sa gobyerno.
Ngunit meron naman nagsabi na walang masama kung ginawa sa Malacañang ang pre-debut photo shoot ni Isabelle. Pinuri rin ng maraming netizens ang magagandang gown na isinuot ni Isabelle sa pictorial na diumano’y umabot sa magigit iasng milyon.
At dahil nga rito, may mga nagtanong kung saan nanggaling ang ginastos ni Isabelle sa gown pa lang, galing ba raw ito sa kanyang amang si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte?
Sa Facebook post ng contributing writer ng The New York Times na si Miguel Syjuco, inisa-isa niya ang posibleng halaga ng bawat gown na isinuot ni Isabelle.
“I was told their base price for gowns is 30,000 dirhams (PHP411,810), but with the scads of Swarovski crystals Isabelle’s sporting, and the big-ass train, it runs from 45,000 to 50,000 dirhams (P617,715 to P686,350),” ang post ng writer tungkol sa isang gown na isinuot ng apo ni Duterte.
Ipinagtanggol naman ng photographer na Lito Sy si Isabelle, sa kanyang FB post sinabi nitong walang P1 milyon ang halaga ng mga nasabing gown.
“Ang red gown na ginamit was sent through LBC from Dubai na sponsored din ng Dubai-based Davao designer na good friend din ng mom ni Isabelle noong di pa siya sikat.
“The other gowns were provided po ni Jeff Galang na stylist kung saan hinihiram din nya from famous designers in exchange for credits and [mileage] lang.
“Ang nga mamahaling shoes are pinagamit sa kanya ng ibat ibang brands para makilala kasi nga artista na si Isabelle under VIVA.”