Kris personal na ibinigay sa nanay na may cancer ang pag-aaring LV bag

MICHELLE BERNAL AT KRIS AQUINO

SIGURADONG marami ang nainggit sa isang loyal follower ni Kris Aquino sa social media matapos siyang mapili bilang “tagapagmana” ng isang branded bag ng Queen of All Media.

Bilang pasasalamat sa patuloy na suporta sa kanya ng madlang pipol kahit na nga matagal na siyang wala sa telebisyon, ipinamigay ni Kris ang ilan sa mga love na love niyang gamit.

In fairness, kahit na hindi pa rin nakakabalik sa TV ang mommy nina Joshua at Bimby, unti-unti naman siyang nakapagtayo ng sarili niyang “queendom” sa social media. Kabilang sa mga ipangreregalo niya sa fans ay ang kanyang Hermes wallet, Chanel tote bag at ang Neverfull Louis Vuitton bag. Bukod pa ito sa mga gift certificates at iba pang expensive items na kanyang ipamimigay.

At isa nga sa mga maswerteng naregaluhan ng Neverfull Louis Vuitton bag ni Kris ay si Michelle Bernal.

Ani Kris, napili nila si Michelle dahil malapit talaga siya sa mga nanay.

Ayon kay Kris, Michelle is a mother of two na nakikipaglaban ngayon sa sakit na breast cancer.

Sumasailalim pa rin ito sa chemotherapy at ang panganay nitong anak ang nag-aalaga sa kanya na binigyan din ni Kris ng gift certificates dahil sa pagiging mabuting anak.

Personal na nakipagkita si Kris kay Michelle para iabot ang kanyang Pamasko. Hiniling din nito kay Kris na sana’y isama siya lagi sa kanyang dasal para tuluyan nang gumaling ang kanyang breast cancer.

Read more...