Kathryn, Daniel nagpasabog na naman ng kilig habang nasa gubat


CUTE ang dayalog nina Malia (Kathryn Bernardo) at Tristan (Daniel Padilla) sa La Luna Sangre.

Nakakubli sa isang puno si Malia matapos siyang magpalit anyo bilang lobo. Hinanap naman siya ni Tristan sa gubat kaya tinawag niya ito. Inabot ni Tristan ang isang damit para isuot ni Malia sabay sabi ng, “Hayaan mo, Malia. Tuwing kailangan mo ng taga-abot ng damit mo, nandito lang ako…”

“At handa akong magpalit anyo para protektahan ka tuwing kailangan mo ng tulong,” sagot naman ni Malia.

“Pero ‘wag muna ngayon, ha. Wala na akong dalang damit, mahirap na,” cute na sagot naman ni Tristan.

Tiyak na maraming kinilig sa palitan ng dayalog ng dalawa lalo pa’t nag-holding hands sila para humanap ng lugar na masisilungan pansamantala.

Read more...