Maine nagparamdam mula sa US, mensahe sa AlDub Nation: Life is short, smile often!

MAINE MENDOZA

FINALLY, nagparamdam na si Maine Mendoza sa kanyang Instagram kahapon matapos ang ilang linggong pananahimik sa Amerika.

“Life is short. Smile often,” caption ni Meng sa inilabas na photo suot ang white shirt at shorts na maong.

Nagbunyi agad ang kanyang followers sa post na ‘yon ng kanilang idolo na miss na miss na nila. Halos 10,000 ang nag-like sa post niyang ‘yon at mahigit isang libo ang comments.

Gaya ng una naming nasulat dito, babalik si Maine sa Eat Bulaga sa Jan. 1, 2018. Dec. 31 ay nandito na siya sa bansa para idaos ang New Year’s eve sa bahay nila kasama ang pamilya. Pinaghahandaan na ng AlDub Nation ang isang mainit na pa-welcome sa pagbabalik sa EB ng Phenomenal Star.

READ NEXT
Ravena, Fonacier binuhat ang NLEX Road Warriors
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...