Karla nahihiyang ibandera ang lovelife


INAMIN ni Karla Estrada na sinasadya niyang maging malihim sa kanyang lovelife. Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ng TV host-actress na meron siyang non-showbiz boyfriend ngayon, si Mark.

“Nahihiya ako, eh. Kasi apat na beses akong nagkamali sa desisyon ko, hindi ‘yung pagkakaroon ng anak ha, dahil hindi pagkakamali ‘yun, regalo ng Panginoon ang anak – ‘yung pagdedesisyon na dapat ganito.

“Inuuna ko kasi lagi ang sarili ko na dapat masaya ako dahil in love ako. ‘Yun ang mga experiences ko na feeling ko itatago ko na lang para sa akin,” ani Karla.

Pero aniya, hindi siya nahihiya kahit na dyina-judge siya ng mga tao, “Hindi naman na ako matitibag dahil ano pa ba ang puwedeng tumibag sa akin kundi ang damdamin na lang ng mga anak ko ang importante sa akin.”

Read more...