Sa inilabas na Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kahapon, sinabi nito na positibo sa paralytic shellfish poison ang coastal water ng Daram island, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda at Villareal Bay sa Western Samar.
Gayundin sa Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur; honda Bay sa Puerto Princesa City, Palawan; Mandaon sa Masbate.
At coastal water ng Bataan— Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.
“All types of shellfish and Acetes sp., or alamang gathered from the area shown above are NOT SAFE for human consumption,” saad ng advisory.
Maaari naman umanong kainin ang isda, hipon, pusit, at alimago sa mga lugar na ito basta iluto mabuti at alisin ang bituka.
MOST READ
LATEST STORIES