Food shortage nararanasan na sa Biliran 

TINATAYANG 25,000 katao sa Biliran ang wala nang makain matapos ang pinsalang dulot ng bagyong Urduja, ayon kay Biliran Mayor Grace Casil.

“Ang problem namin pagkain. ‘Yan ang number one,” sabi ni Casil sa panayam sa Radyo Inquirer 990AM.

Idinagdag ni Casil na tinayang 4,500 pamilya o 25,000 indibidwal ang apektado ng food shortage.

“Tatagan n’yo lang. Kaya natin ito,” sabi ni Casil sa kanyang mga kababayan.

Samantala, sinabi ni Casil na naibalik na ang tubig at kuryente sa probinsya.

Read more...