Gown ng apo ni Duterte inintriga, pati si Ai Ai nadamay


NAPANSIN ng netizens na tila magkapareho ng gown sina Ai Ai delas Alas at ang granddaughter ni President Rodrigo Duterte na si Isabelle Duterte.

Nagningning si Isabelle sa kanyang bloody red ball gown na gawa ng Dubai-based designer na si Garimon Roferos.

While it looks like the same sa gown na isinuot ni Ai Ai sa kanyang pre-nup photo, malaki din naman ang pagkakaiba dahil mas maraming intricate design ang suot ni Isabelle which made her look like a real princess.

Ang daming nag-comment in favour of Isabelle.

“Juice ko naman!!! Pati ba naman ang ganitong issue pupunahin pa?! Hindi lang naman siguro si Ai Ai ang nakasuot ng ganyang gown na design!

“Sa Hollywood nga pare pareho ang suot sa magkaibang red carpet! Dito sa Pilipinas gawin pang big deal porket halos pareho lang ng design! Lakas maka Fashion Police ng mga basher.”

“Ang ke Isabelle embedded from top to bottom. Si Ai Ai sa upper part lng me embedded. Paano magkapareho? Yung dalawa na yan me kanya-kanya silang taste sa damit. E siguro pareho lang taste nila, eh ano ngayon????”

“Ang layo naman!! Mga duleng ba kayo? Ung kay Isabelle alon alon ang yari at maraming kumikinang yung kay Ai2 siring ang style. Mas maganda kay Isabelle at mas bagay po.”

“Eh anu ngayon? Bakit si Ai Ai lang ba ang pwiding mag suot ng ganyan? Hay naku tao talaga kahit anu na lang sa pamilya Duterte gawing issue. Manahimik nga kau. Move on nga kau para masaya tayo ngayong Pasko.”

“Patawa talaga mga tao no? Walang magawa kundi magpaaway at maghanap ng pagchichikahan.

Ngekkkk. bulag ba? Di naman magkapareho e. Oo pareho – parehong Pula!!! Kahit sino pwedeng magsuot ng ganyang gown! Gaya gaya na agad di ba pwedeng yun lang ang gustong style? Hay! Gusto lang manggulo.”

Read more...